VINCE AND KATH AND JAMES
JR's Rating: 8️⃣ (8.5 out of 10, Awesome)
"Akin Ka, Sa'yo Ako: Ang Katangahang Di Pinalalagpas"
"Hi Kath! Kakapalan ko na mukha ko, hehe. Sana mapansin mo ako. I'm Var, crush kita. One of these days alam kong mapapansin mo din ako." Ilan lamang yan sa mga paunang katagang magdadala ng kilig sa pelikulang ito. Sawa na tayo sa "romantic comedy formula" na siyang lagi nalang nating nakikita sa pelikulang Pilipino lalo na tuwing MMFF ngunit ang Vince and Kath and James ay nagamit ito ng akma na kailangang pagbigyan ng pagkakataong panoorin dahil sa tuwa, kilig at pagkabaliw na hatid nito sa mga manonood. Manhid lang ang hindi kikiligin at matutuwa sa kwentong pag-ibig nina Vince and Kath na namuo ang pagmamahalan sa dapat sana'y pagkakatuluyan nina Kath and James. Sa unang eksena pa lamang ramdam na natin ang katorpehan ni Vince, habang ramdam niya ang pakiramdam ng "hey crush" kay Kath ay nagpapakatanga itong maging tagapagkonekta nina Kath at James. Manhid rin lang ang mga taong hindi makakaramdam sa lungkot na madarama ni Vince ng magkakilala at magsimulang sumusuyo si James kay Kath. Paborito ko sa pelikula ung eksenang pagnood nina Vince and Kath sa pelikulang Got To Believe nina Rico Yan at Claudine Barretto kung saan nagsasampolan sina Vince and Kath sa pagkakasaulo ng mga linya. May isang parte nung pelikula na nahulog ang aking puso, iyon ay ang pagtataboy ng ina ni Vince sa kanya habang sila'y ni Kath sana ay kakain sa sisigan na pagmamay-ari ng ikalawang asawa ng kanyang ina. Maraming mga memorable scenes sa pelikula ngunit ilan lamang yan sa aking mga bibigyang atensyon. Napakaganda ng source material nitong pelikula at napakagaling nitong naisapelikula. Hindi man siya kasinggaling ng mga past romantic comedies ng MMFF (katulad ng "English Only, Please" na aking binigyan ng 10 dati) ay hindi pa rin naman dapat palagpasin ang kakiligan at kabaliwan na hatid ng Star Cinema sa pelikulang Vince and Kath and James na epektibong gumamit ng modern college love story. May mga ilang eksena kung saan mahahalata mo kaso ang mga hindi pagkatugma ng lip-sync sa mga linya na sinasabi ng mga actor ngunit hindi naman ito nakakasira sa pagkakatuloy ng pelikula. Ang ganda ng pelikula ay nasa mga lugar na ginamit nito sa kanilang mga eksena. Napaka-effective ang paggamit ng stylized version ng college sa pagpresenta ng mga eksena sa pelikula. Bukod dito, breakout star si Joshua Garcia, na siyang kapansin pansin ang magaling na pagarte sa pelikula. Sa pagpili ng MMFF sa pelikulang ito na maging entry, tayo'y nabibigyang repleksyon sa ilang mga issues na kinahaharap ng bawat Pilipino, 1) paglimita ng trabaho ng kababaihan sa opisina lamang, 2) pagkakaroon ng mga malalaking utang na loob na siya na lamang nagpapaikot sa buhay natin, at 3) ang pagpapabaya sa mga naunang anak kapag nagkaroon na ng pangalawang pamilya. Sana'y matuloy pa rin ang kwento nina Vince at Kath gamit ang orihinal na textserye na marami pang kwentong maaaring gawan ng pelikula.
#VinceAndKathAndJames #2016Movies #MovieReviews #JRMovieReviews
#VinceAndKathAndJames #2016Movies #MovieReviews #JRMovieReviews
Image Reference: Agimat: Sining at Kulturang Pinoy
Time Published: 08 January 2017 (9:00 PM)
No comments:
Post a Comment