DIE BEAUTIFUL
JR's Rating: (10 out of 10, Masterpiece)
"Ang Pinaka-kahanga-hangang Kabaklaan sa Pelikulang Pilipino"
Dark comedy stylized with very colorful setpieces and astounding make-up making an effective yet beautiful movie. Walang tatalong pelikulang drama at komedya ngayong taon sa pelikulang ito. Ang Die Beautiful ay kauna-unahan sa aking panonood ng pelikulang Pilipino na gumamit ng stylized at napakalakas na pagsasalaysay ng buhay ng mga bakla o transgenders. Ang pagganap nina Paolo Ballesteros at Christian Bables bilang mga ganap na babae ay tunay na kahahanga sapagkat kuhang-kuha nila ang pananamit, pagsasalita at pagkilos ng mga ito. Bagamat halo-halo ang pagkakasunod ng mga pangyayari, ito'y madaling intindihin, ang siyang buhay ni Tricia mula kabataan hanggang kamatayan. Sa unang kalahati ng pelikula ay kayo'y makakaramdam na katuwaan ngunit sa patapos na kalahati ay mararamdaman ang kapighatian para sa punong karakter. Kapansin-pansin ang pag-iba ng mood ng tayo'y maharap sa pinakamasakit na pangyayari kay Tricia, ang magahasa ng kanyang hinahangaang atleta. Kung tutuusin, ay hindi lamang komedya itong pelikula ngunit drama na rin. Sa galing ng kwento at pagkagawa ng pelikulang ito ay malamang pumapangalawa ito sa Sunday Beauty Queen bilang MMFF Best Picture. Ngayon ay nagamit ni Paolo Ballesteros ang kanyang talento sa pagmamake-up sa isang masterpiece na pelikula. Isa ito sa mga bagong paborito kong pelikulang Pilipino. #QualityOverQuantity (Note: Ang pelikula ay para lamang sa matatanda dahilan na rin sa mga sensitibong tema na may halong sexual at mga kabastusang pananalita.)
#DieBeautiful #2016Movies #MovieReviews #JRMovieReviews
#DieBeautiful #2016Movies #MovieReviews #JRMovieReviews
Image Reference: Official Die Beautiful Facebook Page
Time Published: 08 January 2017 (9:00 PM)
No comments:
Post a Comment